dzme1530.ph

5 patay, 9 sugatan, sa pagsalpok ng van sa metal fence sa CCLEX sa Tarlac

Loading

Lima katao ang patay habang siyam na iba pa ang nasugatan nang sumalpok ang isang van sa metal fence sa kahabaan ng Central Luzon Link Expressway (CCLEX) sa Tarlac City.

Ayon sa driver ng van, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan sa bahagi ng Barangay Balingcanaway, kaninang alas otso ng umaga.

Limang pasahero ang dead on the spot habang siyam na iba pa ang isinugod sa pagamutan.

Sinabi ni Police Lt. Col. Neil Rainier Mercado, acting chief of police ng Tarlac City Police Station, na maiku-konsiderang “self-accident” ang nangyari dahil wala namang ibang sasakyan na sangkot sa insidente.

About The Author