Inamin ni Vice President Sara Duterte na bumiyahe siya sa ibang bansa para makasama ang aniya’y “frustrated” Filipinos.
Sa panayam, sinabi ni VP Sara na pinupuntahan niya ang Filipino communities sa abroad na nanlulumo na sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Ang isa pa aniyang dahilan ng kanyang pagbiyahe ay para mabisita ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa The Hague, Netherlands kaugnay ng kasong crimes against humanity.
Noong Hunyo ay nagtungo ang Bise Presidente sa Melbourne, Australia habang noong Hulyo ay bumiyahe ito sa South Korea.
Bumisita rin si VP Sara sa Filipino workers sa Qatar noong Mayo, gayundin sa Malaysia.