dzme1530.ph

DBM, isusulong ang “menu system” para sa mga flood control projects

Loading

Isinusulong ng Department of Budget and Management (DBM) ang nationwide “menu system” para sa mga pre-identified infrastructure projects, na sisimulan sa mga proyektong may kinalaman sa flood mitigation.

Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, magbibigay ito ng listahan ng mga na-evaluate at aprubadong proyekto na maaaring pagpilian ng mga ahensya at mambabatas, batay sa pambansang prayoridad at pondo.

Target din ng hakbangin na maiwasan ang budget insertion, na binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address.

Dagdag pa ni Pangandaman, layunin ng pamahalaan na magkaroon ng mas coordinated at data-driven na paglalaan ng pondo, lalo na para sa mga proyektong kontra baha.

About The Author