dzme1530.ph

Signal No. 1, itinaas sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa Bagyong Crising

Loading

Nadagdagan pa ang mga lugar sa Luzon na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 dahil sa Bagyong Crising, batay sa ulat ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga.

Nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Southern portion ng Batanes (kabilang ang bayan ng Sabtang, Ivana, Uyugan, Mahatao, Basco)
  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • Isabela
  • Quirino
  • Northeastern portion of Nueva Vizcaya (kabilang ang bayan ng Kasibu, Quezon, Bagabag, Diadi, Bayombong, Solano, Ambaguio, Villaverde)
  • Northern portion ng Aurora (partikular sa mga bayan ng Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Ilocos Norte
  • Northern portion of Ilocos Sur (kabilang ang City of Vigan, Santa, Caoayan, Bantay, Nagbukel, Narvacan, Cabugao, San Juan, Sinait, Magsingal, San Ildefonso, Santo Domingo, San Vicente, Santa Catalina)
  • Northern at eastern portion ng Catanduanes (kasama ang bayan ng Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto)

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat at maging alerto sa posibleng malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin na maaaring idulot ng bagyo.

About The Author