dzme1530.ph

15% ballot threshold, pananatilihin ng Comelec sa Bangsamoro elections

Loading

Pananatilihin ng Comelec ang 15% valid threshold para sa ballot shading sa 2025 Bangsamoro Elections.

Ipinaliwanag ni Comelec Chairperson George Garcia, na epektibo pa rin ang naturang threshold, dahil alinsunod sa batas, ang kauna-unahang parliamentary polls ay karugtong ng 2025 National and Local Elections.

October 2024 nang aprubahan ng Comelec en banc ang panukalang ibaba ang valid ballot shading sa 15% para sa 2025 May polls.

Ito na ang pinakamababang threshold mula nang itakda ng poll body ang 20% noong 2010 elections.

About The Author