dzme1530.ph

Demolisyon sa gumuhong river wall sa Navotas City, sinimulan na ng MMDA

Loading

Sinimulan na ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang demolisyon sa Barangay San Jose, sa Navotas City.

Bago tuluyang gibain ang gumuhong river wall, inuna ng MMDA ang pagbaklas sa mga bahay na direktang nakatayo sa bumagsak na pader upang maiwasan ang disgrasya.

Ang plano ay palitan ang gumuhong river wall at maglagay ng mas matibay na barrier upang maprotektahan ang mga residente mula sa kalapit na ilog at shipyard.

Ipagpapatuloy ng MMDA, katuwang ang Navotas City Local Government at private contractor, ang konstruksyon ng bagong protective wall sa mga susunod na araw, para samantalahin ang low tide window hanggang July 8 para makumpleto ang critical groundwork.

About The Author