dzme1530.ph

Mas agresibong hakbang ng pamahalaan laban sa agricultural smugglers, tiniyak ng DA

Loading

Tiniyak ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mas agresibong mga hakbang ng pamahalaan laban sa agricultural smugglers.

Sinabi ni Tiu Laurel na talagang hahabulin nila ang mga smuggler at kailangang may makitang mga naka-posas sa pagtatapos ng 2025.

Mahigit ₱34 million na halaga ng smuggled frozen mackerel, pati na mga pula at puting sibuyas mula China, na nakalagay sa anim na 40-foot containers ang kinumpiska kamakailan sa Port of Manila.

Idinagdag ng Kalihim na mayroon pang 59 containers na naka-hold sa Subic Port sa Zambales, dahil sa hinalang nagtataglay din ang mga ito ng smuggled agricultural products.

About The Author