dzme1530.ph

Paglalagay ng mas malalaking karatula para sa libreng inter-terminal shuttle sa NAIA, ipinag-utos ng DoTr chief

Loading

Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang paglalagay ng mas malalaking karatula para sa libreng inter-terminal shuttle service sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa pag-iinspeksyon sa NAIA Terminal 3, sinabi ni Dizon na ang paglalagay ng mas kapansin-pansin na signs ay para malaman ng mga pasahero na mayroong free shuttle service, at para hindi sila mabiktima ng mga abusadong taxi driver.

Sa naturang inspeksyon ay sumakay din ang Kalihim sa airport shuttle at kinausap ang mga pasahero para marinig ang kanilang feedback.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng DoTr chief ang paghuli sa mga taxi na nag-o-operate sa naia bunsod ng paniningil ng sobra-sobrang pasahe na nag-viral sa social media kamakailan.

About The Author