dzme1530.ph

Dating Sen. Francis Tolentino, pinagbawalan ng China na makapasok sa kanilang Mainland, pati na sa Hong Kong at Macau

Loading

Pinatawan ng China ng sanctions ai dating Senador Francis Tolentino, sa pamamagitan ng pagbabawal na makapasok sa kanilang Mainland, maging sa Hong Kong at Macau.

Bunsod ito ng umano’y “egregious conduct” ng dating mambabatas sa mga usaping may kinalaman sa Tsina.

Ginawa ng Chinese Foreign Ministry Spokesperson ang anunsyo, isang araw matapos magtapos ang termino ni Tolentino bilang senador.

Binigyang diin ng tagapagsalita na ipagtatanggol ng Chinese government ang kanilang soberanya, seguridad, at interes mula sa mga pahayag ng Anti-China politicians sa Pilipinas.

About The Author