Kailangan pa ring maisailalim sa rehabilitasyon ang floodgate sa Navotas City, kahit ito ay nakumpuni na.
Pahayag ito ni Public Works Sec. Manuel Bonoan, kasabay ng pagbibigay-diin na lumang-luma na ang floodgate na sa tantiya niya ay nasa 30-taon na.
Una nang napaulat na isang bahay ang lubhang napinsala habang limang iba pa ang naapektuhan, makaraang gumuho ang tatlong metrong pader sa Barangay San Jose, bunsod ng high tide.
Ayon sa Navotas Local Government Unit, wala ring nagawa ang inilagay na sandbag wall dahil bumigay din ito sa lakas ng agos ng tubig.
Sinabi ni Bonoan na gumagawa ang Department of Public Works and Highways ng feasibility study, kasama si Navotas Rep. Toby Tiangco, para sa pagpapalit ng floodgate.