HINIMOK ni Senador Raffy Tulfo ang Department of Energy at Department of Transportation na bumuo ng mga hakbangin upang matulungan pa rin ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan sakaling hindi matuloy ang pamamahagi ng fuel subsidy.
Sa gitna ito ng sinasabing ceasefire sa pagitan ng Israel and Iran na posibleng magpababa na sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ng chairman ng Committee on Public Services na dapat imonitor pa rin ng DOTr ang average price ng Dubai crude oil upang matiyak na napapanahong maibabahagi ang fuel subsidy sa mga PUV drivers at riders kapag umabot sa $80 per barrel ang threshold.
Nitong June 26, ang average price ng Dubai crude oil ay nasa US$78 per barrel.
Subalit ipinaalala ni Tulfo na matindi ang naging epekto sa mga motorista ng big time oil price hike na ipinatupad ngayong linggo kaya’t dapat pag-aralan ng gobyerno kung anong maaaring itulong sa mga PUV drivers.
Hinikayat din niya ang malalaking kumpanya ng langis na magkaloob ng fuel discounts sa PUV drivers hangga’t walang naipatutuapd na malaking rollback sa presyo.