Hindi pa buo sa isipan ni Cebu Rep. Duke Frasco ang pagtakbo bilang Speaker sa papasok na 20th Congress, na magsisimula sa tanghali ng June 30, 2025.
Sa isang pahayag sinabi nito na ang focus niya sa ngayon ay suportahan ang mga agenda ni Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa ngalan ng pagkakaisa at kaunlaran ng bansa.
Naniniwala ang Cebuano lawmaker na dapat katuwang ng Presidente ang Kongreso.
Pag-amin nito, kung ngayon gaganapin ang pagpili ng susunod na speaker, sino man kina Navotas Rep. Toby Tiangco at Negros Occidental Cong. Albee Benitez ang kanyang susuportahan.
Si Frasco ay sinibak sa National Unity party (NUP) dahil tumanggi ito na pirmahan ang manifesto of support para sa pananatili ni Leyte Rep. Martin Romualdez sa pagka-Speaker sa 20th Congress.
Noong nagdaang linggo, kumalat din ang larawan sa social media na magkakasama sina Frasco, PBBM at First Lady Atty. Liza Araneta sa Japan.