Nominated ang aktor na si Daniel Padilla para sa Outstanding Asian Star sa 20th Seoul International Drama Awards, para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Andres Malvar sa hit action-drama series na “Incognito.”
Sa kanilang official social media pages, ibinahagi ng talent manager arm ng ABS-CBN na Star Magic, ang litrato ni Daniel, kung saan nakapaloob ang announcement ng kanyang nominasyon.
Ipinagmalaki ng Star Magic ang latest milestone ni Daniel sa career nito, pati na ang husay nito hindi lamang bilang dramatic actor kundi bilang emerging action star.
Gaganapin ang 2025 Seoul International Awards Ceremony sa Oct. 2, sa KBS Hall sa Yeouido, Seoul, sa South Korea.