dzme1530.ph

Grupo nina Sen. Aquino, wala pang malinaw na stand kung mananatilling minority bloc sa Senado

Loading

Hindi pa malinaw sa grupo nina incoming Sen. Bam Aquino kung mananatili silang minority sa Senado sa pagpasok ng 20th Congress.

Sinabi ni Aquino na mag-uusap pa lamang sila nina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Kiko Pangilinan tungkol sa kanilang grupo.

Inamin din ni Aquino na mayroong tumatawag sa kaniya kaugnay sa senate leadership.

Pero sa ngayon, ay tututukan muna aniya nila kung ano ang kailangan ng taumbayan.

Kasabay nito, inamin ni Aquino na target niyang pamunuan ang kumite sa Senado na may kinalaman sa edukasyon upang maisakatuparan niya ang mga ipinangakong reporma noong siya ay kumakandidato.

Nasa Senado ngayong araw na ito si Aquino upang sumalang sa pictorial para sa pagpasok sa 20th Congress.

About The Author