dzme1530.ph

Panukalang batas na magpapalawig sa termino ng Barangay at SK officials ng anim na taon, aprubado na sa Kamara

Loading

Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na magpapalawig sa termino ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials sa anim na taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Sa pamamagitan ng 153 affirmative votes, 4 negative votes at 1 abstention, pinagtibay ng Kamara ang House Bill no. 11287.

Nakapaloob sa panukala na mananatili sa pwesto ang lahat ng incumbent Barangay at SK officials na hinalal noong Oct. 30, 2023 hanggang sa susunod na halalan sa may 2029, maliban na lamang kung sila ay masususpinde o masisibak.

Nakasaad din sa bill ang dalawang term limit para sa Barangay officials habang one-term limit para sa SK officials.

Sakaling maging ganap na batas, ang synchronized Barangay at SK elections ay idaraos kada anim na taon, sa ikalawang Lunes ng Mayo, simula sa 2029.

About The Author