dzme1530.ph

Pagsisimula ng impeachment proceedings, tuloy sa Miyerkules

Loading

Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na tuloy ang pagsisimula ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte sa June 11.

Ito ay kahit na ihain ni Sen. Ronald Bato dela Rosa ang kanyang resolusyon na nagsusulong na ibasura ang impeachment case.

Sinabi ni Escudero na wala siyang plano na hindi pa ituloy ang pagsisimula ng proceedings makaraang tapusin na rin nila ang mga panukalang dapat nilang talakayin.

Iginiit ng senate leader na hindi siya magpapaapekto sa anumang panawagan ng iba’t ibang grupo at gagawin nila ang kanilang trabaho batay sa kanilang oras.

Binuweltahan naman ni Escudero ang mga kritiko na nagsasabing binushwack nila ang impeachment dahil wala naman silang inaatake mula sa likod o tinatraydor.

Sa inirekomenda namang impeachment calendar na sa loob ng 19 na araw ay tatapusin ang pagdinig, iginiit ni Escudero na pagpapasyahan ito ng impeachment court.

Pero para sa kanya, hindi magiging objective ang pagpapaikli ng panahon para sa pagdinig.

About The Author