Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-fact-check ng mga impormasyon tungkol sa Monkeypox (Mpox) na kumakalat sa online bago ito mag-repost.
Kasunod ito ng paglaganap ng misleading social media posts tungkol sa transmission ng mpox at umano’y pagpapatupad ng lockdowns sa bansa upang makontrol ang virus.
Sinabi ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, na huwag basta click ng click, at basahing mabuti ang laman ng artikulo at kung saan ito nanggaling.
Aniya, ang verified information ay dapat mula sa health agencies, gaya ng DOH at established news media outlets.
Idinagdag ni Domingo na tigilan na ang virus fake news dahil ito aniya ang tunay na nakasisira sa bansa.