Bumaba ng 32% ang kaso ng rabies sa Pilipinas sa unang limang buwan at kalahati ng taon, ayon sa Department of Health.
Inihayag ni DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, na as of May 17, 124 ang kaso ng human rabies sa bansa.
Mas mababa kumpara sa 183 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na nasa 21, sumunod ang Region 9 na may 15, at CALABARZON na may 12 kaso.
Idinagdag ni Domingo na kahit maliit lamang ang bilang ng mga kaso, mataas ang fatality rate kapag nakagat ng hayop na mayroong rabies.
Hinimok din ng Health official ang pet owners na pabakunahan laban sa rabies ang kanilang mga alagang hayop.