Idineklara ng Pagasa na opisyal nang nagsimula na ang tag-ulan sa Pilipinas.
Ginawa ng state weather bureau ang anunsyo, batay sa latest weather analysis at rainfall data mula sa mga piling data-gathering stations.
Ayon sa Pagasa, kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan ang na-obserbahan sa nakalipas na limang araw dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ang presensya ng habagat ay senyales ng pagsisimula ng rainy season sa western sections ng Luzon at Visayas.
Gayunman, inihayag ng Pagasa na posible pa ring magkaroon ilang araw o linggong monsoon breaks.