dzme1530.ph

Pagtaas ng bilang ng kabataang nakararanas ng depresyon, ikinabahala

Loading

Ikinabahala ni Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang pagtaas ng bilang ng kabataan na nakakaranas ng depresyon.

Ito ay makaraang magdoble ang bilang kumpara noong nakalipas na walong taon.

Hinimok ni Go ang gobyerno na palakasin ang mental intervention programs ng gobyerno sa mga paaralan at grassroots level.

Tinukoy pa ng mambabatas ang datos sa pag-aaral na ang nakararanas ng moderate hanggang severe depression na mga kabataang Filipino ay mula sa edad 15 taon hanggang 24 na taon na mula 9.6% noon 2013 ay tumaas sa 20.9% nitong taon 2021.

Iginiit ni Go na hindi maaaring balewalain ang mental health ng mga kabataan.

Sa dami aniya ng problema sa paligid—mula sa social media hanggang sa personal na hamon sa buhay—kailangan nila ng kaagapay na handang makinig at tumulong sa kanila.

Iginiit ng senador na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat na tiyakin na maalalayan sila sa paraang akma sa panahon at sa kasalukuyan nilang mga hinaharap na isyu sa buhay.

About The Author