dzme1530.ph

Pagiging bukas ni PBBM sa reconciliation, pagbibigay prayoridad sa interes ng bayan

Loading

Pagpapakita ng pagbibigay prayoridad sa interes ng bayan ang pagiging bukas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa reconciliation sa pamilya Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Sherwin Gatchalian bilang suporta sa pahayag ng Pangulo laban sa pagkakahati-hati sa pulitika.

Ayon kay Gatchalian, ang mas malalim na pagkakaisa at pagtutulungan ay  mahalaga sa pagbuo ng mga pangmatagalang solusyon sa mga kinahaharap na hamon at problema ng bansa.

Naniniwala ang senador na ang mga pagkakaiba sa pulitika ay bahagi ng demokrasya, ngunit hindi ito dapat maging hadlang para magtulungan sa pagsulong ng bayan.

Sa huli, sinabi ni Gatchalian na ang tunay na panalo sa panawagan na ito ng pangulo ay ang sambayanang Pilipino.

Umaasa ang mambabatas na ang panawagang ito ay magbubunga nang mas matibay na pagkakaisa para sa ikabubuti ng mamamayan at ng bansa.

About The Author