dzme1530.ph

18 elevators sa anim na EDSA busway stations, gumagana na, ayon sa DOTr

Loading

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na gumagana na ang 18 elevators sa anim na istasyon ng EDSA Busway o EDSA Carousel Bus Rapid Transit System.

Inihayag ng ahensya sa kanilang social media accounts na nagsagawa ng inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa Balintawak Station ng EDSA Busway upang matiyak na gumagana ang elevator.

Sinabi ng DOTR na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang maginhawa at accessible na pampublikong transportasyon, lalo na sa mga senior citizen, buntis, at persons with disability.

Ang anim na busway stations na gumagana ang elevators ay kinabibilangan ng Monumento, Bagong Barrio, Balintawak, SM North, PHILAM, at Guadalupe.

About The Author