dzme1530.ph

Agriculture department, hinimok ang consumers na tangkilikin ang pork alternatives

Loading

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga consumer na tangkilikin ang ibang alternatibo sa karneng baboy, gaya ng manok, isda, at karneng baka.

Ito ay habang humahanap ng paraan ang pamahalaan para ma-stabilize ang supply at presyo ng karneng baboy.

Ginawa ng DA ang pahayag kasunod ng anunsyo na binawi na ang maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy, batay sa hiling ng industry players.

Ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang kakapusan sa produksyon ay bunsod ng African Swine Fever at mas mataas na demand ng mga consumer.

 

 

About The Author