dzme1530.ph

4 patay sa engkwentro ng mga supporter ng mayoral candidates sa Basilan

Loading

Apat katao ang nasawi sa engkwentro ng mga tagasuporta ng mga tumatakbong alkalde sa Langil Island sa Basilan.

Nangyari ang sagupaan kahapon ng umaga, sa pagitan ng mga supporter ng mayoral candidates sa Hadji Mohammad Ajul.

Rumesponde ang Special Action Force (SAF) at local police sa insidente na hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.

Ayon sa 11th Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP), batay sa paunang reports ay dalawang grupo ang nagpalitan ng putok ng baril, at tig-isa ang nalagas mula sa magkabilang panig.

About The Author