Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang miting de avance ng senatorial slate ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Mandaluyong City ngayong Biyernes.
Ito ay para isulong ang “Bagong Pilipinas” agenda na unity, reform, and strong national leadership.
Matapos ang 16 na major rallies, tatapusin ng labing isang senatorial candidates ng Alyansa ang kanilang nationwide campaign sa kahabaan ng Nueve De Febrero St. sa Mandaluyong City.
Sa mga nakaraang surveys, napanatili ng Alyansa candidates ang matatag na momentum hanggang sa pumasok ang huling bugso ng kampanya.