dzme1530.ph

Bagong sistema ng unloading configuration sa NAIA, sinimulan na

Loading

Sinimulan na ang parrallel unloading configuration sa NAIA Terminal 1, sa curbside, sa departure area.

Dito binago ang sistema sa pagbababa ng mga pasahero na gagamit ng terminal.

Simula ngayong araw, parrallel drop off na ang kanilang ipatutupad, bukod sa marami na ring mga airport security personnel sa drop off point o tauhan sa paliparan, bago na rin ang pintura ng linya na magsisilbing gabay ng mga driver.

Hindi na rin papayagan pa ang diagonal drop off o parking kung saan nakaharap ang mga sasakyan sa terminal.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero kasunod ng nangyaring pananagasa noong Linggo.

Kasabay nito nag alay din ng bulaklak ang airport authority sa mismong lugar kung saan nasawi ang dalawang biktima.

About The Author