Nahaharap sa imbestigasyon ng PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang social media users na iligal na nag-post ng CCTV footage ng malagim na aksidente sa NAIA -Departure Area noong Linggo.
Sinabi ni Transportation Sec. Vince Dizon na hiniling niya sa PNP-ACG na magsagawa ng pagsisiyasat.
Inatasan din ng Kalihim ang Manila International Airport Authority (MIAA) na imbestigahan kung paano nailabas sa publiko ang CCTV footage ng insidente.
Kasabay nito ay umapela si Dizon sa publiko na irespeto ang pamilya ng mga biktima at huwag nang i-share ang mga litrato o videos ng insidente sa social media para lang kumita o maka-scoop.