dzme1530.ph

Senador, nabahala sa pagtaas ng bilang ng mga graduates na functional illiterate

Loading

Nabahala na rin si Sen. Loren Legarda sa ulat na aabot sa 18.9 Million na graduates ng Senior High School ang hindi nakakaintindi sa kanilang binabasa o mga tinawag na functional illiterate.

Kaugnay nito, hinimok ni Legarda ang Second Congressional Commission on Education o EDCOM II na agad kumilos upang ito ay matugunan.

Sinabi ni Legarda na isa itong masakit na katotohanan na nagsasabing may matinding kapalpakan ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Iginiit ng senadora na lumilitaw na ang attendance at graduation ay hindi na garantiya na ang bata ay natututo.

Kaya’t balewala lang aniya ang diploma kung hindi naman natuto ang milyung-milyong mga bata at hindi sila handa sa pagharap ng anumang hamon ng buhay.

About The Author