dzme1530.ph

Ilang tourist spots sa Sorsogon, isinara bunsod ng pagaalburoto ng bulkang Bulusan

Loading

Pinagbawalan ang mga turista na magtungo sa ilang tourist areas sa Sorsogon bunsod ng pagaalburoto ng bulkang Bulusan.

 

 

Sa facebook, sinabi ni Sorsogon Provincial Tourism Officer Bobby Gigantone, na kabilang sa tourist spots na hindi muna maaring bisitahin ay matatagpuan sa Juban, Casiguran at bahagi ng Irosin.

 

 

Ginawa ang desisyon sa koordinasyon ng Inter-Agency Coordinating Council at ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

 

 

Ipinaliwanag ni Gigantone na kailangan isara ang ilang tourist spots upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista.

 

 

Martes ng gabi nang pumutok muli ang Bulusan volcano, na nagdulot ng ashfall sa iba’t ibang mga Barangay sa Irosin, Juban, at Bulan.

About The Author