Nakatakdang magpulong ang Special Task Force na inatasang magrebyu ng mga polisiya at alituntunin sa road safety, sa susunod na linggo.
Ayon kay Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, pagkatapos ng kanilang pulong ay kakausapin nila ang bus operators, para sa pagtatakda ng parameters para sa standards sa road safety, gayundin sa mga terminal.
Binigyang diin ni Guadiz na hindi kinakailangan ng mga bagong polisiya.
Kailangan lamang aniya na sundin ang mga dati nang rules, gaya ng paggamit ng dashcam, pagkakaroon ng fire extinguisher sa mga bus, pati na sapat na equipment.
Ang task force ay binubuo ng Department of Transportation, LTFRB, at Land Transportation Office.