dzme1530.ph

Abimpitong lugar sa bansa, inaasahang makararanas ng danger level na heat index ngayong Huwebes

Loading

Nagbabanta ang danger level na heat index o damang init sa labimpitong lugar sa bansa, ngayong Huwebes.

 

 

Sa Bulletin ng PAGASA, inaasahang makararanas ng 45°C na heat index ang Sangley Point sa Cavite City; at Ambulong, Tanauan, Batangas.

 

 

Tinaya naman sa 44°C ang damang init sa NAIA, Pasay City; Dagupan City, Pangasinan; at Iba, Zambales.

 

 

43°C sa Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo City; San Ildefonso, Bulacan; Tau Camiling, Tarlac; Alabat, Quezon; at Masbate City.

 

 

Habang 42°C sa Bacnotan, La Union; Tuguegarao City, Cagayan; Isu Echague, Isabela; Hacienda Luisita, Tarlac City; San Jose Occidental, Mindoro; Cuyo, Palawan; at CBSUA-Pili, Camarines Sur.

About The Author