dzme1530.ph

Pasig congressional candidate Ian Sia, pinasasagot ng Comelec sa disqualification case na isinampa laban sa kanya

Loading

Binigyan ng limang araw ng Comelec 2nd Division si Pasig congressional candidate Ian Sia para sagutin ang disqualification petition na isinampa laban sa kanya matapos ang komento nito sa single mothers.

Inilabas ng dibisyon ang apat na pahinang summon, ilang araw matapos ihain ng Comelec Task Force SAFE ang disqualification case laban kay Sia bunsod ng umano’y paglabag sa anti-discrimination rules ng poll body.

Ayon sa Comelec 2nd Division, maaaring isumite ni Sia ang kanyang tugon sa Clerk of the Commission nang personal o sa pamamagitan ng e-mail.

Gayunman, kapag hindi nakatugon ang respondent sa itinakdang panahon ay mawawalan na ito ng pagkakataon na makapaghain ng controverting evidence.

About The Author