dzme1530.ph

Biyahe ng Victory Liner, tuloy-tuloy sa buong linggo ng Semana Santa

Loading

Tuloy-tuloy ang biyahe ng Victory Liner sa Caloocan City sa buong linggo ng Semana Santa.

Ayon kay Mer Lopez, terminal master ng Victory Liner, mayroon silang biyahe kahit sa Biyernes Santo dahil inaasahan nilang may mga hahabol pang pasahero.

Tiniyak din ni Lopez na nakalatag na ang kanilang koordinasyon sa mga lalawigan para sa maayos na dispatching mg kanilang mga bus.

Kinumpirma rin ni Lopez na nabigyan sila ng kabuuang 133 na special permit para sa karagdagang biyahe.

About The Author