dzme1530.ph

Batangas port, ininspeksyon bago ang pagdagsa ng mga pasahero para sa Mahal na Araw

Loading

Ininspeksyon ng Department of Transportation (DOTr) ang Port of Batangas kung saan mahigit 20,000 mga pasahero ang inaasahang dadagsa sa paparating na Semana Santa.

Pinangunahan ni DOTr Secretary Vince Dizon ang inspeksyon na inaasahang gagawin din nito sa iba pang mga pantalan na dadagsain ng nasa 1.73 milyong pasahero sa Mahal na Araw.

Inikot nina Dizon at Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago ang iba’t ibang pasilidad ng pantalan, kabilang ang passenger entrance, ticketing booths, x-ray baggage scanners, passenger lounge, restroom, food stalls, at boarding gates ng mga barko.

Isa ang Batangas Port sa pinaka-abalang pantalan tuwing sasapit ang taunang Semana Santa.

About The Author