dzme1530.ph

Hanggang 50°C na heat index, posibleng maranasan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Summer

Loading

Nagbabala ang Pagasa na posibleng maranasan ang hanggang 50°C na heat index o damang init sa ilang bahagi ng bansa ngayong Summer.

Tinaya ni Pagasa Assistant Weather Services Chief Chris Perez, na aabot sa 48°C hanggang 50°C ang pinakamataas na temperatura ngayong dry season.

Sinabi ni Perez na posibleng maranasan ang pinakamataas na damang init sa Abril o Mayo.

Idinagdag ng Pagasa official na inaasahang tataas pa ang temperatura kahit sa gabi ngayong nagsimula na ang tag-init.

About The Author