Mananatili ang pangalan ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro sa balota na gagamitin sa 2025 elections.
Ito, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa kabila ng suspensyon na ipinataw ng Office of the Ombudsman sa Alkalde.
Paliwanag ni Garcia, hindi apektado ng suspension order ang poll body dahil ang saklaw nito ay ang termino ng administrasyon ni Teodoro, na sa kasalukuyan ay tumatakbong Kongresista.
Idinagdag ng Poll chief na hangga’t walang pinal na desisyon sa kinakaharap na kaso ang kandidato o kautusan mula sa Supreme Court ay mananatili ang pangalan nito sa balota.
Una nang sinuspinde ng Ombudsman ng anim na buwan si Teodoro at iba pang mga opisyal ng lungsod bunsod ng umano’y maling paggamit ng P130-Million na halaga ng pondo ng PhilHealth.