dzme1530.ph

Crackdown sa pork sellers at supplier na hindi tumatalima sa MSRP, dapat paigtingin

Loading

Nanawagan si AGRI Partylist Rep. Wilbert Manoy Lee sa Department of Agriculture na paigtingin ang crackdown sa mga pork seller at supplier na hindi tumatalima sa iniutos na maximum suggested retail price (MSRP).

Ayon sa datos ng DA’s Agribusiness and Marketing Assistance Service, 20% lamang ng mahigit 170 monitored stalls sa Metro Manila ang sumusunod sa MSRP sa karneng baboy.

Mismong kagawaran ang nagsabi na nasa ₱220 na lamang ang farmgate price ng baboy mula sa dating ₱250, subalit lampas pa rin sa ₱400 ang bentahan nito sa palengke.

Saad ni Lee, kailangang kumilos ang DA at higpitan ang pagpapatupad ng MSRP para na rin sa proteksyon ng mga mamimili.

Binuhay din ni Manoy Wilbert ang panawagan sa DA para ayudahan ang hog raisers na naapektohan ng ipinatutupad na MSRP, at ang mga tinamaan ng ASF na nagsisimula pa lamang maka-recover.

About The Author