Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na walang request mula sa Kamara na ipakansela ang passport ni Atty Harry Roque.
Si Roque ay may outstanding warrant of arrest kaugnay ng pagdinig ng House Quad Committee tungkol sa ilegal na operasyon at aktibiddad ng mga POGO.
Sa panayam sa Senado, sinabi ni Velasco na walang hurisdiksyon ang Kamara pagdating sa consular matters.
Ayon sa House official, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang dapat na kumilos dito, pero dadaan umano muna ito sa proseso at kailangan munang magkaroon ng court order para makansela ng DFA ang pasaporte ni Roque.