dzme1530.ph

Batikos sa posibilidad na payagang magkanlong sa Senado si Sen. dela Rosa, sinagot ni SP Escudero

Loading

Sinagot ni Senate President Francis Escudero ang pagbatikos ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel sa pahayag na maaaring payagang magkanlong si Sen. Ronado Bato dela Rosa sa Senado.

Ito ay sa sandaling lumabas na ang warrant of arrest laban kay dela Rosa mula sa International Criminal Court.

Ipinaalala ni Escudero na ang institutional courtesy na paiiralin sa kaso ni dela Rosa ay kaparehong polisiyang ginamit noon sa mga kapanalig ng kongresista na tinaguriang Batasan 5.

Tinukoy ni Escudero ang limang Partylist Representatives na inakusahan na makakaliwa at kinasuhan ng rebelyon at mahigit dalawang buwang nagkanlong sa Kamara upang maiwasan ang pag-aresto.

Iginiit ni Escudero na paiiralan ang naturang kortesiya sa sinumang miyembro ng Kongreso anuman ang kanilang kulay sa pulitika at anuman ang kinakaharap nilang kaso.

Pinayuhan din ng senate leader ang kongresista na huwag nang gatungan pa ang galit at pagkakahati-hati at sa halip ay matuto na lamang sa aral ng kasaysyan.

About The Author