₱6.4-B LGSF ng BARMM, dapat imbestigahan ng COA

dzme1530.ph

₱6.4-B LGSF ng BARMM, dapat imbestigahan ng COA

Loading

Nanawagan si Lanao del Sur Cong. Zia Alonto Adiong sa Commission on Audit, para imbestigahan ang ₱6.4-B Local Gov’t Support Funds (LGSF) ng BARMM.

Ayon kay Adiong, sa ilalim ng COA’s internal auditing policies, may power ang central office na isailalim sa audit ang pondo kapag lumagpas ito sa ₱50-million.

Sang-ayon naman dito si Cong. Joseph Stephen Paduano, chairman ng Committee on Public Accounts, dahil sa ang hinahanap na pondo ay mahigit anim na bilyong piso.

Sa hearing din ng komite kinuwestyon ni Basilan Cong. Mujiv Hataman ang hindi pa rin pagsipot ng mga BARMM officials.

Ayon kay Paduano, sumulat ang mga opisyal ng BARMM at ikinatwiran na hindi sila makakadalo dahil panahon ngayon ng Ramadan.

Bwelta naman ni Hataman, siya rin ay nagpa-fasting subalit wala umanong batas sa kanilang relihiyon na kapag panahon ng fasting ay hindi na pwedeng gawin ang mandato o obligasyon sa kanilang panunungkulan.

About The Author