dzme1530.ph

Halos 100 election violations, nai-report sa loob lamang ng isang buwan na campaign period

Loading

Halos isandaang (100) reports ng paglabag sa eleksyon ang natanggap ng election watchdog, sa loob lamang ng isang buwan na campaign period para sa senatorial candidates at party-list groups.

Sa initial report na may petsang March 14, sinabi ng Kontra Daya at Vote Report PH na karamihan sa mga iniulat na violations ay kinasasangkutan ng red-tagging o pag-akusa sa grupo o indibidwal na kumakampi sa mga komunista at “illegal campaigning.”

Mula sa kabuuang 94 reports, nanguna sa listahan ang red-tagging na may 63.8% habang sumunod ang illegal campaigning na mayroong 24.5%.

Kabilang din sa iba pang naitalang mga paglabag ay vote buying na may 4.3%; illegal use of public resources, 3.2%; at “other violations,” 4.2%.

About The Author