dzme1530.ph

Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, kumpyansang hawak na ang momentum sa pagkapanalo para sa eleksyon

Loading

Hindi natitinag ang kumpiyansa ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas at naniniwalang hawak na nila ang momentum habang lumalapit ang midterm elections sa Mayo.

Ito, ayon kay Alyansa Campaign Manager at Navotas Rep. Toby Tiangco ay base sa mga survey data at mga internal assessment ng koalisyon.

Sinabi ni Tiangco na walo hanggang siyam na ‘Alyansa’ senatorial bets nila ay palaging kasama sa “Magic 12” sa mga isinasagawang senatorial surveys, pero nangakong sisipagan pa nila ang pangangampanya para maipanalo ang lahat ng kanilang kandidato.

Sa lalawigan ng Leyte, tiwala ang Alyansa na makukuha nila ang malaking panalo batay na rin sa ipinangako ni House Speaker Martin Romualdez na kumpiyansang maibibigay din sa administration bets ang suportang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..

Tiniyak din ni Tiangco na kung ano ang kinakailangang adjustments upang matiyak malaman ng mga Pilipino ang plataporma ng bawat kandidato.

Mas lalo pa aniyang palalakasin ng ‘Alyansa’ ang paglilibot sa buong Pilipinas para manuyo ng mga botante, halos dalawang buwan na lamang bago ang eleksyon, upang palakasin ang kanilang tsansa na mabuo ang “Magic 12” sa Senado.

About The Author