dzme1530.ph

Dalawa pang Japanese firms, planong mag-invest sa Pilipinas

Loading

Dalawa pang kumpanya sa Japan ang ikinu-konsiderang palawakin ang kanilang negosyo sa Pilipinas, na magpapalakas sa local electric and manufacturing industries.

Ayon sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ipinaabot ng Kawamura Electric Inc. at FRP Services & Company Japan ang kanilang intensyon, sa katatapos lamang na pulong, kasama ang mga opisyal ng dalawang kumpanya.

Sinabi ng PEZA na ang plano ng Kawamura ay bahagi ng mas malawak na regional strategy para palakasin ang footprint nito sa Southeast Asia.

Samantala, nagpahayag din ng interest ang FRP Services para sa presensya nito sa Teco Industrial Park-Special Economic Zone, para sa pagsu-supply ng fiberglass-reinforced particle boards ng kanilang major client na matatagpuan sa Cavite Economic Zone.

About The Author