Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkawala ng isang Pilipino matapos ang salpukan ng chemical tanker at container ship sa northeast coast ng England.
Sa reports mula sa Licensed Manning Agency (LMA), lulan ang Pinoy crew member ng MV Solong na bumangga sa oil tanker na Stena Immaculate sa North Sea noong Lunes.
Huling nakita ang Pinoy sa bow ng barko, na nasunog matapos ang malakas na pagsabog.
Inihayag ng DMW na may walong iba pa Filipino seafarers na sakay ng MV Solong at lahat sila ay ligtas na nasagip.
Sa kasalukuyan ay nananatili sila sa isang hotel sa Grimsby, sa London habang naghihintay ng kanilang repatriation.