Epektibong itinuturing ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga “demolition job” na ginagawa laban sa kanya matapos na arestuhin ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos na tumaas ang ranking ni dela Rosa sa latest Pulse Asia survey sa ikaapat hanggang ika-pitong pwesto sa senatoriables para sa 2025 midterm elections.
Lumabas din sa survey na 44.3% ng mga Pilipino ang boboto sa kanya.
Sa Facebook page ni dela Rosa, inilarawan ng senador na “very effective” ang mga ginagawang “demolition job” laban sa kanya dahil makikita sa survey na sa halip na pababa ay pataas pa ang kanyang puwesto.
Ang ranking ngayon ni dela Rosa ay mas mataas kumpara sa ika-10 pwesto nito noong Pebrero na isinagawa rin ng parehong survey firm.