Kumpiyansa si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na kaya niyang ipagtanggol ang sarili sa International Criminal Court kung walang Filipino lawyer ang kakatawan sa kanya.
Kasama si Dela Rosa sa posibleng maisyuhan na ng warrant of arrest dahil siya ang pangunahing nagpatupad ng war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay dela Rosa, handa siya sa anumang sitwasyon at sa oras na simulan na ang paglilitis ay kaya niyang dipensahan ang kanyang sarili kung hindi kaya ng kanyang abogado.
Sa impormasyon mula sa ICC, limang Pilipinong abogado lamang ang accredited nila kasama sina Atty. Gilbert Andres; Atty. Joel Butuyan; Atty. Charles Janzen Chua; Atty. Nashmyleen Marohomsalic; at Atty. Harry Roque.
Pero sa kabila ng kahandaan, umaasa pa rin ang senador na mapakikinabangan ang serbisyo ng mga abogadong ito subalit kung wala ay haharapin niya ang kaso bitbit ang katapatan at katotohanan.