dzme1530.ph

Usapin ng human rights, ‘di dapat gawing sandata sa political interest

Loading

Binuweltahan ni Sen. Alan Peter Cayetano si dating Sen. Leila de Lima sa pagdawit sa kanya sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao.

Iginiit ni Cayeteno na ang due process ay dapat ipatupad sa lahat, anuman ang kulay ng politika.

Tugon niya ito sa patutsada ni de Lima sa usapin ng hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-ugat ito sa isang video statement ni de Lima kung saan pinuna niya ang kredibilidad ni Cayetano sa pagtalakay ng human rights at due process.

Inakusahan din ni de Lima si Cayetano na sinuportahan ang extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Pinabulaanan ni Cayetano ang mga akusasyon at iginiit na hindi dapat gawing sandata ang human rights para sa pansariling interes sa politika.

Binigyang diin niya na malinaw sa Saligang Batas na may karapatan ang bawat indibidwal sa due process kabilang si Duterte.

Pinuna din ni Cayetano ang pahayag ni de Lima sa isyu ng extrajudicial killings sa pagsasabing paulit-ulit niyang sinasabi na mahalaga ang buhay ng bawat isa.

About The Author