Niresbakan ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte matapos nitong sabihin na ang nangyari sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isang uri ng “state kidnapping.”
Sa press conference, binigyang diin ni Palace Press Officer Usec., Atty. Claire Castro, na paanong matatawag na kidnapping ang nangyari, gayung mayroong warrant of arrest.
Ito’y makaraang ihayag ng Bise Presidente na dinala sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo nang walang legal na basehan.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kagabi na dinala sa The Hague ang kanyang predecessor para harapin ang mga kasong may kinalaman sa mga pagpaslang sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.