dzme1530.ph

Kumpanya ng bus na nasangkot sa aksidente sa EDSA Busway, sinuspinde ng LTFRB

Loading

Naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng preventive suspension laban sa isang bus company, makaraang masangkot sa aksidente ang isang unit nito sa EDSA Busway.

Ayon sa Department of Transportation (DoTr), inisyuhan ng LTFRB ng show cause order ang Earthstar Express Inc. at inatasan ang kumpanya na magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang prangkisa.

Lunes ng gabi nang isa sa mga unit ng Earthstar Express ang bumangga sa bus ng Admiral Transport Inc. habang nagsasakay ng mga pasahero sa EDSA Carousel sa Guadalupe Station.

Nagresulta ang aksidente sa pagkakasugat ng 23 pasahero ng Earthstar Express habang walong pasahero naman mula sa Admiral Transport.

About The Author