dzme1530.ph

Publiko, hinimok na maging mahinahon sa gitna ng isyu ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte

Loading

Umapela si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa publiko na maging mahinahon sa gitna ng pag-aresto ng PNP kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglapag niya sa NAIA mula sa Hong Kong.

Sinabi ni Estrada na dapat na manatiling mahinahon ang lahat para manatili ang kaayusan at katahimikan sa ating bansa.

Makabubuti rin anyang igalang ng lahat ang legal na proseso na ipinatutupad sa bansa.

Maging si Sen. Christopher Bong Go ay nananawagan sa mga tagasuporta ng dating Pangulo na maging mahinahon at manatiling kalmado.

Umapela rin si Go na ipagdasal ang dating Pangulo upang manatiling maayos ang kanyang kalusugan.

Una rito, nanawagan sa publiko ang nagtatagong si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na magtungo sa EDSA o sa lugar kung saan dadalhin ang dating pangulo bilang pagpapakita ng suporta sa kanya.

Samantala, hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin makontak si Sen. Ronald Bato dela Rosa.

About The Author